bunso koh!!!
Pinaskil ng dakong 01:09 PM sa
orasan ni Mang Jack
November 24, 2009 A. D.
tinext nya ako kahapon ng hapon sabi dadaan daw siya dito pauwi galing work.
6pm sya nag-out.. around 6:30 when he came.
magkatabi kaming naupo sa tambayan gaya ng dati. malamig ang gabi pero bakit ako pinagpapawisan.
hmmm.. lakas pa rin ng dating sa akin ng batang yun.!
si bunso ko. ang mahal kong si bunso. madami siya nakwento.
tinanong ko siya kung ano sabi ng tita niya sa nangyari. sabi ba naman bakit ko raw pinabayaan!?! huh? pinabayaan ko ba talaga siya?
in a way siguro. pero di ko naman talaga siya pinabayaan ah! lets just say i just gave him space to enjoy his life w/o any commitment from me. sino ba naman ang magaakalang makakahanap siya ng iba in a short period of time!
kinulit ko siya if his tita really did say that... oo daw. natahimik ako dahil my tears wanna fall down! kapag nagsalita pa ako maiiyak na ako.
hinawakan niya ako sa pisngi sabi joke lang sabay tawa! nakakainis.. naguguilty na nga ako sa mga knkwento niya tapos dadagdagan pa niya ng ganun! argh!
according to him, hindi naman daw talaga niya balak ligawan yun kasi daw hindi talo, cousin daw kasi yun ng barkada niya.
pero after na makitext yung barkada niya na cuz nung girl nakuha na nung girl yung no. niya. nagkatext na sila.
binola bola daw niya kumagat naman daw.
ayun naging sila.
lagi daw siya napapainom sa bahay nung girl tapos kapag nalasing ayun dun na raw siya pinapatulog ng parents nung girl!
tama ba naman yun? kunsintidor tlaga!
eto pa, pinapaamin ko siya kung buntis yung girl.. hindi naman pala buntis yung girl.
hindi ko rin mapaamin na may nangyari sa kanila. ewan ko kung nahihiya lang yun o nagsasabi lang siya ng totoo!
whatever it is, i know na impossible na wala pang nangyayari sa kanila. lagi silang magkama sa bahay even i found out that they dont "really" stay together as usual couples do. mga sleepovers lang daw kapag minsan.
pero sabi niya hindi naman daw sila lang sa bed. kasiping din daw nila yung utol niyang bunso.. hmm.. really?!
SABI KO KELAN nila plan magpakasal.. hindi naman daw sila magpapakasal! sira talaga yun! sabi ko ano na lang plano niya sa kanila! kasi daw mag-aaral pa siya.
mabuti naman pero dapat niya panindigan yung girl di ba? sabi ko kng mahal ba niya yung grl? ewan ang sagot niya! ay naku nabatukan ko tuloy! i asked him kung he's happy.
sagot niya ok lang naman daw. sbi ko anong ok positive o negative. bah ay both daw!
hindi naman daw niya maiwan yung girl kasi naaawa siya, mabait naman daw kasi pati ung parents niya. hindi naman daw siya pinakikitaan ng pangit, pinakikisamahan naman daw siya ng maayos. baka raw magpakamatay pati yung girl!
know what hindi ko alam kung maawa ako sa kanya dahil parang napasubo siya sa isang bagay na hindi naman siya sigurado o magagalit ako dahil may plano pa kami na magaaral siya pero ano ginawa niya nakahanap siya ng iba!
hay di ko siya masisisi pinakawalan ko siya eh, kaya nakuha ng iba!
matagal pa kami nagkwentuhan at nagkulitan!
god, now i know how much i miss him.. binugbog ko nga ng kurot eh.. ka-cute kasi! hay bunso ko talaga... naunahan pa akong mag-asawa.. kahit pinagpipilitan niyang hindi nya asawa yun. ok fine, "magiging asawa"!
nami-miss ko yung mga lambingan at kulitan namin dating ginagawa! yung mga tawanan, kwentuhan, lutu-lutuan, lahat-lahat ng oras na magkasama kami namiss ko bigla!
mga bagay na hindi na ulit at malabo na ulit maulit! mga bagay na mananatili na lamang alaala...
sinasama nga niya ko sa kanila, sa kanila na raw ako magdinner pero ayoko ano na lang sasabihin ng mga makakakita sa amin na mgkasama.. ayoko nga matsismis dito noh! tsaka nahihiya talaga ako. maya niyan bigla dumating asawa niya este gf niya eh di ang cheap ko naman!kaya hindi talaga niya ako napilit!
tinext ko ung tita niya.. di pa naman pala niya ako nakakalimutan.. someday daw pag nagpunta ulit sila dito she will meet me to get to know me.. ay kahiya yata!
umuwi siya ng around 7:30.. saglit na oras lang pero ang laki ng nagawa sa akin...
ewan ko ba bakit bigla yata ako sumigla. ayokong umasa ako dahil narinig ko yung mga kwento niya pero parang ganun na nga ang napi-feel ko.. umaasa???
tama pa bang umasa? parang hindi na.. sa nangyari at sa sitwasyon ngayon... malabo!
hay bunso.. hope 2 c u later again! i miss you so much!