Entries for December, 2005

Disyembre na pala


Pinaskil ng dakong 01:43 PM sa orasan ni Mang Jack

nakakatamad na..

inaantok ako...

nagugutom...

magpapasko na..kaso dito walang pasko..

akala ko ngayong taon na ito ay sa pilipinas na ko magpapasko..hindi pala, akala ko lang pala yun..

ikatlong pasko ko na ito ng malayo sa pamilya at kaibigan ko..

nakakalungkot..

naguguluhan na ko sa sitwasyon ko, may gusto akong gawin pero parang inilalayo sa akin...may mga pangarap akong gustong tuparin kaso ayaw makisama ng putang inang panahon.. pinaparusahan ba ko? sana matapos na ito.. naiinip na ko at nalulungkot..

sana masolusyonan na ang problema kong ito..

sana..



merry christmas na lang sa lahat..




Buset


Pinaskil ng dakong 05:50 PM sa orasan ni Mang Jack

after ng unang game ko ng basketball at nakaupo ako habang pinapanood yung next batch, malamig ang panahon pero nakasando at shorts pa den ako..tinitiis ang lamig hehehe, ay biglang nagring ang cellfone ko at puta tumatawag pala yung admin at pinapabalik ako sa opisina dahil may kailangan na copy ng logo sa cd yung Gen Mgr namin..sabi ko alam naman nung technician yung files eh, puta! pinasa pala sa akin ng mabahong indiano na yun..buti na lang nakalaro na ko..at mabait ako! kaya yun..dali-daling bumalik sa opis puta! pero dumaan muna kong popeyes para bumili ng dinner ko...at pagdating sa opisina ayun, ang mga inosenteng tao ay parang noon lang nakakita ng shorts at sweater na outfit! at yun dumeretso na ko sa opisina ng GM at tinanong kung ano ba talaga yung kailangan..kinamusta pa ko how's my basketball game daw, gusto ko sanang sagutin ng pabalang eh..hehe.. at yun binurn ko na yung file na kailangan at humirit pa ng isa, yung character na ginawa ko ay pinalagay na den sa cd..at nung aalis na ko, biglang nagsabi sa akin yung admin na, kung ihahatid daw ako nung driver pabalik sa court, puta gusto kong tumawa sa buset eh..kaya sinabayan ko na lang ng alis!
at habang naglalakad pauwi ay saka ko naalala na naiwan kong bukas ang pc ko..hahahahaha..buto may automatic shutdown chuva..
pagkadating sa room hubad then ligo at kain, bitin pa yung dalawang manok ng popeyes, dapat siguro apat..


kakabuset, nasa momentum na ko ng game biglang nawala pa..

kung kelan may gana akong maglaro saka naman may buraot..
kaya lesson, i-off ang cellfone next time..




That's it!


Pinaskil ng dakong 02:12 PM sa orasan ni Mang Jack

I see some guys trying to compare people to Michael Jordan. One thing I can say on that, is that unless you perform at the top level on both ends of the court, on the offense and on the defensive end...you cannot begin to compare a guy's game to Michael's, because of what he did on the defensive end of the court.

- Scottie Pippen




~


Pinaskil ng dakong 12:10 AM sa orasan ni Mang Jack

Conflict is an unavoidable part of life.




boolsheaatt


Pinaskil ng dakong 02:27 PM sa orasan ni Mang Jack

start of work: 9:00 am at matatapos ng 1:00pm

balik ng 3:45pm upto 10:00pm... almost 11hours na nakababad sa

opisina at nakaharap sa dambuhalang computer

after ng duty, pinaspasan ko na ang uwi dahil tomguts na ko..

lintek na yan..walang kuryente sa ground floor ng villa..pati tubig

wala..buti iba yung line ng room ko at may kuryente ako kaso yung cr

e pitch black..puta! hindi ako nakapaghugas ng pinagkainan

ko..hanggang ngayon nakatengga pa din..hehehe..after an hour,

kumatok ang isa kong kasama at sinabing pinapatawag daw ako ng

gen. manager namin, puta talaga! hindi pa nakuntento sa halos

11oras sa opisina at humirit pa, ayun rush daw kasi na i-finalize yung

design ng plastic or paper bags.. 11:10pm ako nakadating sa opisina

at ayun, biglang, "im sorry" ang bungad ni boss at kailangang-

kailangan lang daw talaga umaatikabong paulit-ulit at kaartehan sa

adjustments chuva, halos isang ream na ata ng papel ang nauubos

kakaulit..pasado ala una na nang matapos..kakabuset tas 8:30am

naman ang start ngayon..eto ako inaantok..walang gana..may

tinatapos pang trabaho..hindi sila makatao...

tangina! 10days pang ganito kahaba ang duty.. sinagasaan pa ang

pasko..kaya xmas ay isangtabi muna..tutal wala naman nyan dito eh..



nagugutom ako...

buti kanina may kuryente na at tubig...whew!
Currently feeling: inaantok




Pasko


Pinaskil ng dakong 01:54 PM sa orasan ni Mang Jack

Ngayon ay Araw ng Pasko...




Natawa lang ako..hihihi


Pinaskil ng dakong 10:51 PM sa orasan ni Mang Jack



dito ko biglang natawa eh hehehe..



madami pang iba >Dito<





Farewell 2005!!!


Pinaskil ng dakong 10:51 PM sa orasan ni Mang Jack

ilang oras na lang at magtatapos na ang isang taon sa buhay kong walang kwenta...nabawasan na naman ng buhay at madadagdagan ng panibagong taon!

ilang oras na lang bagong taon na! eto ako sa opisina, walang ginagawa sa trabaho, nagpapalipas ng oras.. nakakatamad na!

Bukas 2006 na, ambilis ng panahon, pero ang buhay ko parang na-stuck na! ayaw gumalaw, walang pagbabago! mga binabalak ko ayaw sumunod sa akin, ayaw makisama! tila pinaparusahan ako sa nangyayari sa akin pero ok lang..wala namang magagawa eh..

sa mga oras na ito ay malamang kasagsagan na ng putukan sa pilipinas at masasaya ang karamihan! may mga handa at salu-salo ang bawat pamilya! nakakainggit kung iisipin! dahil merong masasaya at hindi! pero ganun talaga siguro ang buhay! dapat balanse!

sa inyong lahat! Maligayang Bagong Taon!!!


2006!!! ayusin mo ha!!!




« 2005/11 | 2006/01 »
your name:

url:

your message: