Entries for June, 2005

Alaxan


Pinaskil ng dakong 06:01 PM sa orasan ni Mang Jack

masakit ang katawan ko, braso, binti atbp..
naglaro ako sa basketball game kahapon dahil mayroong sportsfest ang mga pinoy dito para sa independence day.. wala akong team kaya isiningit na lang ako ng organizers, at ayun ang team ko TFC ang name hehe, isa kasi sa mga sponsors..
at ang number ko, lintek na yan ZERO (0) bokya! pero laro lang talaga habol ko dahil since nakapunta ako dito ay hindi na ko halos nakapagbasketball.. nung nakaraang monday naglaro ako bilang preparasyon nga sa nasabing sportsfest at ayun hingal kabayo at sakit ng katawan ang inabot ko..
kahapon medyo badtrip kasi konting minutes lang ang nalaro ko, una dahil hindi naman talaga ko kasali sa line-up, pangalawa magkakakilala sila..ang nagawa ko lang tuloy ay isang layup sa fast break nung unang game..nyahaha.. tas nung second game medyo mahigpitan ang game dikit lang, yung buset na ngcoach eh ayaw ishuffle ang tao, yung mga kakilala lang nya ang ipinapasok tska yung mga late comers na feeling star wala rin naman..ipinasok ako kaso nde pa ko nagiinit eh nilabas kagad badtrep.. at nung nag-graduate-an na ang mga kakampi ko dahil hindi mapigil ung isang matangkad sa kalaban, around 6'3" ata, saka ako ipinasok, 4 ang lamang sa fastbreak nakuha ko ang bola at biglang pull-up 3 kagad ako pumasok naman! hehe kaso kinulang na sa oras at nawalan ng presence of mind nga mga kasama ko kaya naibato sa kabilang court at naubos ang time, sayang kung na-foul..in short talo! pero ok lang at least nababalik na ang paglalaro ko at medyo nababanat na muli ang katawan ko..
napansin ko lang basta pinoy lahat iniisip para pgkakitaan..
gaya nga kahapon, dun sa may spectators area akala ko libre yung pagkain, yun pala 1KD or P185 ang isang kanina at ulam! HANEEEPP!!! palibhasa no choice na kaya kinakagat na den kagaya ko..at ang malupet eh mey dinuguan pa! san sila nakakakuha ng baboy?! siguro puslit..sabi naman ng tita ko e sa UN dw galing sa mga kano.. at dinuguan nga ang binanatan ko na puro taba, medyo nanibago pa ko sa lasa ng baboy..it's been a long time na kasi eh! after nung second game umuwi na kami, tinamad na kasi ako..

yung muse nga pala namin, GANDA! 17 yrs old lang tas lupet ng japorms at sexy, naka T-back pa..kaya naman lahat kami ay ganado hehehe..

basta masakit katawan ko ngayon..pero gusto ko na maglunes para makapaglaro ulet ng basketball after work..hehehehe..

bili na kaya ako ng rubber shoes?



hanapin nyo ko hehehe..



in action..kung tinira ko daw kagad at hindi na ipinasa eh baka maganda ung kuha..hehe


Currently feeling: antok co'z of body pain




Whew!


Pinaskil ng dakong 02:41 PM sa orasan ni Mang Jack

kahapon nakapaglaro muli ako ng baksetbol! kahit medyo kainitan na dito ang panahon kahit 6pm na eh arpund 39 degrees pa den..lalo kahapon na parang humid pa ang panahon..pero hindi ito makakapigil para ako'y hindi maglaro! kaya yun after work bihis kagad ako at tumungo kagad sa court..dalawang sakay den ng bus papunta doon, malapit nga lang ngunit yung line ng bus ang conflict kaya i need 2 rides.. yung location ng court ay ayos, dahil parang roxas blvd, malapit sa dagat at isa sa mga malufet na mall dito ang Marina Mall.. pagdating ko ay madami ng pinoy na naglalaro kaya hintay muna ko at abang ng makakakampi kasi dapat lima kagad kayo para makasunod kagad after ng naunang game.. at since naghihintay kami at nagkataong sa kabilang court ay half court lang ang laro ng ibang lahi kaya nagshooting muna kami at may sumali sa aming foranger at sinabing mag 3 on 3 daw kaya yun pampawarm up kaya laro na den..pero kakaiba nga ang panahon dahil khit half court lang e lintek ako sa hingal parang nade-drain ang lakas ko kaya nde rin kami ngtagal..grabe ang init, pati ang nalalanghap mong hangin ay parang steam kaya hirap bumawi ng hininga kaya nagpahinga na ko at nag-abang sa sa susunod na game dahil nakontrata na namin na kami ang next..at yun nakapaglaro na kami at unang 2 jumpshot ay sa akin hehe..medyo naibabalik ko na ang laro ko pero sa resistensya na lang at lakas sa laro ang wala dahil nangangapa pa ko..ilang takbuhan lang den eh hingal kabayo na ako at naglalakad na ko..at nung hindi ko na talaga kaya eh nagpa-substitute na ko..hirap talaga kapag naninibago pero ayos lang dahil paunti-unti mababalik den ang resistensya ko sa laro..gayunpaman nag-enjoy pa rin ako at feeling ko nasa pinas lang ako dahil nga sa puro pinoy ang kalaro ko..at meron din palang muntik na kong bumagsak at baka mabalian, dahil nung fastbreak ay alam kong alanganin at may tao na sa harap ko ay pinilit ko pa ding i-layup at yun hindi na ko dinipensahan ng kalaban bagkus ay hinawakan na lang ako para di ma-out of balance, nai-shoot ko naman yung bola hehe..

nakakabuset lang yung mga kuwaiti at iba pang arabong teenager dahil sa gitna ng court sila dumadaan na para bang mga baka na tumatawid sa kalye, ewan ko ba kung mga nagpapapansin lang sila o sadyang likas na mga bastos at walang modo..sarap pagsasapukin eh! kung sa pinas yun baka nagulpi na namin lahat.. at matindi pa eh nde pa tapos ang laro eh nagshu-shooting na at hindi pa umaalis sa court, parang mga siga, ang tataba pa naman, ung isa inuuga pa ung buong backboard..kaya nung bandang huli ay nagkatamaran na kami at tumigil na..

kawawa den ang paa ko, dahil hindi pa den ako nakakabili ng rubber shoes, kaya chucks pa den ang gamit ko, low cut pa hehhe..kaya yun natorture ang forefoot ko at sole, pati toes nanakit, kawawang mga paa..hehe...pero hindi na gaano nanakit ang katawan ko ngayon, nasasanay na den..at next monday lalaro ulet ako at sana makabili na ko rubber shoes, tagal kasi ng sweldo eh..

whew! eto na naman sa opisinang kakabagot, gusto ko ng maglunes waaaaaaaaaah!!! hehehe..
Currently feeling: tinatamad




Nutin'


Pinaskil ng dakong 02:39 PM sa orasan ni Mang Jack

last thursdee after work eh naisipang pumunta ng tabing dagat ng tita ko..at yun sinama ako, nagpalit lang akng sapatos at nde na nakapgbihis pa..ang init ng hangin parang steam pero ok na rin dahil maganda naman ang view kahit papano..




posing, para akong kontrabida eh hehehe..


people keep on telling me, oh! how cute naman your daughter is!
and i say, HUUUWWHHHHAAAATTT????!!!






Sa Wakas!


Pinaskil ng dakong 03:57 PM sa orasan ni Mang Jack

Finally after a long wait and days of searching, i've got a balling shoes! yeah baby!!! sa tinagal tagal kong humanap ng affordable but reasonable basketball shoes ay nakahanap den ako kahapon..bago ako maglaro ay tumingin muna ako ng sapatos sa malapit na boutiques dahil mei naglalaro pa at naghihintay lang den ako kaya sinamantala ko na ang oras.. medyo nahirapan ako maghanap ng sapatos ng halos 3 weeks na dahil limited lang ang budget ko around 15-20KD, dahil nga sa nagtitipid ako at yung price dito ng mga gusto kong shoes ay halos doble sa hindi ko alam na dahilan, gaya ng Air Jordan 19 na release last year, ay imbes na bumaba ay dumoble pa ang presyo kasama na den ang ibang nike shoes..siya nga pala, walang boutique ang nike dito kaya badtrip! mei ilang distributors lang hindi pa lahat meron.. bagama't nike ang gusto kong sapatos dahil nga sa durabilty at technology ay no choice ako na bumili ng ibang brand.. merong mga sale gaya ng and1, reebok atbp.. ngunit sa kasawiang palad ay hanggang size 9 lang ang largest, sayang! size 10.5 kc ako.. mura pa naman..sa kahahanap, lakad parit-parito ay nakakita dn ako ang tindahan na mei sale at medyo ok ang displays..reebok ang brand at yun medyo ok ang looks at quality kaya nagtanong ako kung meron ng size ko at sa wakas meron! (tagaktak na pawis ko neto, wla pa naman akong panyo..hehe) at yun sinukat ko na medyo ok..kaya nilabas ko na ang cash hehe.. KD19.800 ang sale price na dating KD33.000, di ko alam na ang dala ko ay 21 KD lang pla hehe..buti sumakto..at yung mabaet na cashier na indian ay ginawa na lang saradong KD19 siguro naawa sa akin dahil mukha akong pulubi hehe..natuwa naman ako dahil mei pang-Popeyes ako after magbasketball..at ayun balik kagad ako sa court, medyo jahe pa nga dahil hindi kasya sa bag ko ung box, laki kc..kakahiya tuloy ng my bitbit akong bagong sapatos..kaya pumunta akong cr at dun nagpalit...sa wakas hindi na mabubugbog ang paa ko sa chuck taylor..at yun pasok ako sa court at since mei naglalaro pa kaya hintay at after ng game ay may nakaset na pala buset hintay na naman at gumagabi na..akala ko hindi na ko makakalaro kung kelan bago pa sapatos ko..at buti mei ngpasubstitute kc pagod na..at yun buenas nabinyagan ko den hehe..medyo comfortable naman at maganda ang cushioning, medyo loose lang ang ankle support kc mid cut pero kung isisintas ko siguro ng sagad e aayos iyon.. and yun nakapaglaro den ng proper shoes and after ng game ay humirit pa uli ng isa kaya laro na naman ako..at yun hingal kabayo ako pero enjoy naman..natapos na naman ang isang lunes 15 more to go, sa pilipinas na ko maglalaro..

eto ang pic ng nabili kong shoes, nagulat ako ng may nakita akong nakasulat sa my upper part, nakalagay ay FRANCHIS3, number 3 ung E tas nakabold pa, ang pgkabasa ko e francis 3 kaya naisip ko kei steve francis, tas binasa ko muli franchise pala kaya naisip ko na baka iverson hehe pero answer ung kei AI eh..kaya sinearch ko ngayon ung sapatos at yun kei Steve Francis nga hehe..swerte signature shoes pa nabili ko..hindi man Jordan at least Sig pa den..








Nyahaha!!!


Pinaskil ng dakong 02:40 PM sa orasan ni Mang Jack

eksena sa opis ngayon ngayon lang:

Biglang pumasok ang bading na kaopismeyt ko sa room namin,

Ako: (pabiro kong sinabi) Yes Sir! what can i do for you?

Biglang lumapit sa akin si Bading

Bading: ( sabay himas sa aking hita ) Just take this off, that would be enough!..

NYAHAHAHAHAHAHAHA....







Wowaweee


Pinaskil ng dakong 10:58 PM sa orasan ni Mang Jack

mei proyekto na naman ako..pinagdedesign ako ng boss ko para sa display ng company sa mall dito..medyo matagal akong natengga kaya wala ako masyado maisip na idea..eto yung dalawang nagawa ko as of now, katatapos lang..





ayus ba? o swangit? hehehe..

bahala na mamaya pag pinakita ko sana magstuhan nyahaha...



congrats nga pala kay Leanne at sa pinsan kong si Maila for passing the Nursing Licensure Examination..

kakainggit kayo mei lisensya na kayo..Good Luck sa karir!
Currently feeling: inaantok




Singhot!


Pinaskil ng dakong 09:08 PM sa orasan ni Mang Jack

sa wakas, medyo natapos na den ang paulit-ulit kong pagdrawing..pero nde naman ako nangangalay o napapagod kakadrawing at kung tutuusin ay simple lang nga e, wala masyadong diskarte na ginagawa..nde naman kc rendered eh, gaya ng sabi ng boss ko, sketch lang..kaya yun sketch lang..pero mukhang natuwa ang mokong kasi aliw na aliw habang tinitignan para bang ngayon lang nakakita ng gawang kamay, palibhasa kasi ang alam nila eh sa computer lang ako marunong or CADD, masyadong nakastick ang isip nila na yun lang ang ginagawa ng field ko.. mahihinang klase sila hehe.. ang nakakainis lang eh itong sipon ko na malabnaw na bigla na lang tutulo hehe kaya nabubuset ako habang gumagawa..punas ako ng punas ng kleenex..sana mawala na to, magbabasketball pa ko mamaya eh..

eto yung napiling design ng display ng company sa isang mall..





ayus ba? o basura? hehe, nung iniscan ko yan tas pinirint, halos d ko makita yung difference..laser jet kasi ginamit ko..

gulantang den ung boss ko kasi walang bura bura yan..e ang gs2 nya pag mei iibahin e buburahin lang, haller! wala sa isip ko un..naiispoil ung papel eh kaya ulitin na lang and iperfect ang gawa..

kung rerenderan ko ng mas matindi baka matuwa sa galak ang hayop hehe kaso tinatamad ako eh..sa ka na baka mawili pa sya..
nang ipakita ko nga pala yan eto ang mga narinig kong kataga na nagmula sa kanyang bibig..FANTASTIC!, VERY NICE!, VERY GOOD!, BEAUTIFUL! GOOD WORK!.. hehe..at ayun pina-fax na sa secretary ung design..




Note: Naalala ko si Kornelya, ang aking pakner sa tisis, dahil sa aking sipon, singhot ako ng singhot, kagaya nya pag nagddrawing sumisinghot nyahahha eheks!
Currently feeling: sinisipon




« 2005/05 | 2005/07 »
your name:

url:

your message: