Remember M remember E put them together remember thee
Pinaskil ng dakong 02:15 AM sa
orasan ni Mang Jack
March 31, 2005 A. D.
Mga Section ko Mula nung elementary hanggang highschool, at ating himay-himayin at i-analyze kung bakit kaya yan ang aking naging sekzionne!
I-Magalang
grade one, siempre magalang dapat para hindi mapaginitan ng teacher, name ng teacher ko Gng L.V. Santos, Leonora name tas nickname nya e Auring, yan madalas tawag sa kanya ng co-teachers nya na lagi naming naririnig..hehe..Naging magalang nga ba ako? siguro medyo..dyan nagumpisa sa amin ung magbabayad ka kapag maingay ka..at alam nyo ba na dyan ako pinakaunang nagcutting classes...may araw kasi na wala nga ang adviser namin at inilipat kami sa ibang guro, e tinatamad kami ng kaklse kng kapitbahay namin na kababata ko, kaya naisipan naming tumakas..hehe..pero nde namin alam kung pano isasagawa dahil nga nsa unahang row kami ng klase, at biglang nakita ng kaklse ko ang aking kuya na grade 5 na sa labasan at naglalaro ng yoyo, sakto namang biglang may dumating na ibang guro kaya chika galore ang dalawang maestra..habang nagdadakdakan ang dalawang guro s likod ay naisipan kong gumapang palabas ng silid dahil nga sa maliit ako ay nde ako pansin hehe..nauna ako, at pagkatapos kong makalabas ay hnintay ko na ang aking kaklse ngunit sa kasamaang palad umalis na ang bumisitang guro at back to class na ulet..ehehe swerte ko!
yun ang una, nasundan pa un, ganung sitwasyon ulet, walang adviser kaya bago pa maglipat sa ibang titser ay pumuslit na kami, ngunit nde kami makakalabas sa main gate dahil mai bantay, si Mang Roque na sekyu-janitor in one..naisipan namin dun sa may lumang gate sa likod ng mga grade 3, hayun, sampa kami sa gate dala dala ang malalaking bag, isa isa tapos pasa ang bag, hagis sa lupa sa kabila sabay talon una pwet pa..aruy! pero successful ang cutting! hehehe..napapadaan pa kami sa truck ng coca cola at pumupuslit ng isang bote hehe, kahit d malamig ayus lang! hehe..anyways naging magalang ba ko? mukhang nde...
II-Matapat
grade 2, ganda pakinggan ng section..parang totoo..teacher ko si Miss Hallare, matanda na ito ngunit dalaga pa, atound 60 n cgro nung tym namin.. pang-umaga ako d2 at nde ko n kaklse ung kakosa ko nung grade 1, panghapon kc sya..mdyo ok ang aking pagaaral d2 dahil naging anghel ako hehe..minsang naglipatan at walang adviser ay natuwa sa akin ang isang titser ewan ko den kung bakit..sabi p nga nya, kung sya daw ang adviser ko bibigyan nya daw ako ng A for angel.nyak!!!! cmpre pakitang gilas ako, taas kamay sa recitation atbp..at sa hindi inasahan eh na-honor pa ko..kita m nga naman,,kaso sa kasamaang palad, saktong nagkasakit si inay at sa meeting ay nde nakaattend kaya nabalewala ang aking pagkahonor dahil hindi naasikaso..pero d bale..not a big deal! pero naging matapat ba ko? nde yata...
III-Matatag
grade 3 n ko astyg ang section name noh, parang maton! kaso sa pangalan lang hehe, teacher ko d2 si Mrs Nelly De Guzman, na nagkasakit ng ilang buwan kaya lagi kaming walang ginagawa sa time nya..umpisa na ng lipatan dito bawat subjects at dito uso ang larong putbol at tatsing bol gamit ang bolang plastic, d2 den nauso ang WWF, sina ultimate, hulk hogan, the rockers atbp..naalala ko lagi akong mey drawing sa likod ng notebook kaya tuwing checking ay nakikita ng teacher tas nilalagay sa card..hehe bawas bawasan dw ang ganun..uso den ang ninja turtle kaya ung isang kaklse kng mayaman e mayroong laruan, na napagkatuwaan ng kaklse ko na sya den ung kakosa ko nung grade 1, nagkasama muli kami..hiniram nya kunwari ang laruan sabay tinago tas inuwi hehe..hanggang nawala..in short ninakaw.. dito den ako unang nakaranas ng masabunutan ng titser na si Mrs. Sernat sa subject na Sibika At Kultura ,langyang un, tapos na nga kaming magsulat e sasabihin nde pa dw, nde naman kami maingay habang nagdadaldalan..hinila kami bigla sa may pintuan habang hawak ang dalawa naming ulo..swerte ako at sa kaliwang kamay ako at d gaanong malakas ang spin hehe..after kami sabunutan nilambing kami at sinabing, "wag na kayong uulit ha" nyak!!!! kaya cguro matatag ang section dahil maging matatag dapat kapag sasabunutan ng titser..
IV-Luntian
Luntian or berde or green, kaya siguro may pagka greenminded ako hehe..adviser namin si Mrs. Azucena Lazaro, titser namin sa HELE..ung anak nya kaklase den namin ang magandang si Charmaigne..kras ko yan, namin pla..tas ung isa ko namang kaklse pamangkin ng titser namin sa english na Ms. Gimeno, na kapag nagsasalita ay malakas papahina an boses kaya dapat attentive ka..nde ko ren mainitindihan kapag nagsspelling kami..sa akin humihiram ng notebook si Ms Gimeno para sa kanyang pamangkin na si Sarah dahil madalas itong absent kaya sa akin kumkopya ng lectures..dito den ako unang sumabak sa poster making contest, biglaan isang umaga akoy walang pera..hehe sabi lalaban dw at ako ang rep ng grade 4,langyang yan! bnigla ako..ayun derecho kami sa ibang skul dahil dun ang venue, wala akong kaalam alam dito basta drawing lang ako, matapos naming magdrawing ay my isang estudyante na nagsabing talo nga dw kmi..sa akin ay wala iyon dahil wala ang importante d ako nakapasok sa klase a excuse hehe.. at maya maya ay lumapit sa amin ang isang titser na kasama namin at sinabing ung grade 5 at grade 6 division ay 2nd ang aming skul..at op kors ako sa grade 4 hehehehehe..tsamba! masaya ako nun at pgkauwi ay sinabi ko kagad kay inay at natuwa sa akin..binigyan ako ng 10piso, hayun takbo kagad ako sa computershop, (nintendo pa usong rental noon)..luntian, green? wala lang...
Tinatamad na ko e, itutuloy ko na lang ung sumusunod na years..
V-Barangay
VI-Gabay
I-Copper
II-Jupiter
III-Sampaguita
IV-Peach