Entries for October, 2004

sabon


Pinaskil ng dakong 01:41 AM sa orasan ni Mang Jack

kahapon ay sumama akong mag-grocery sa tita ko..at habang namimili ay may napansin akong kakaiba, may isang arabo na nagbibilang ng pera nya habang nakatigil sila kasama ng kanyang anak na babae na tila nasa edad 2, nang mapansin ko ito ay natawa ako at bigla kong nasabi kaagad sa tita ko, ang nangyari: dahil sa kabibilang ng arabo ng pera ay hindi na nya napansing nginangata na ng kanyang anak ang sabong pampaligo na nadampot mula sa shelves, kawawang bata hehhe..wala ng makain siguro sa kanila..hehe.. pero naisip ko baka talagang pinapakain ng sabon ang bata para luminis ang kanyang bituka hehehe..
yun lang..
umalis na kami at hindi ko na alam ang nangyari kung naubos ba nung bata yung sabon o sinaluhan siya ng tatay nya..hehe
Currently feeling: homesick! hehe




Isang Katangahan


Pinaskil ng dakong 03:01 PM sa orasan ni Mang Jack

kagabi habang akoy papauwi na at nasa lobby ng building ng accommodation namin my nakasabay akong ibang lahi sa elevator, pinindot ko na ang 6th floor at sila ay 2nd floor lng ngunit mukhang tanga yata yung isa at napindot ay 5th floor.. nakababa na sila ng elevator at ako na lang magisa, nawala sa isip ko na magbubukas nga pla ang elevator sa 5th floor dahil nga napindot ito, at sa pagbukas ng pinto bigla na lang akong napalabas..at nawala talaga sa isip ko na nasa 5th floor ako, medyo exhausted din ako kaya di ko masyado napapansin ang paligid kaya deretso ang lakad ko sa pinto ng akala ko ay flat namin, nagtataka ako kung bakit ayaw magkasya ng susi? nainis ako bigla, sabi ko, "bakit pinalitan ng hindi sinasabi sa akin?" napapamura pa ako, nabuset talaga ako at napatayo na lang at naghihinaty baka dumating na ang kasama ko sa flat.. pero lumipas na ang ilang minuto ay wala pa ding dumadating at napapaisip ako na bakit ganun e samantalang mabilis lamang akong maglakad kaya nauna ako sa knila ngunit wala pa ni isa ang dumadating sa kanila? sinubukan ko ulet ang susi at tinignan pa bka may nakabara lang..ngunit talagang hindi magkasya.. at bigla na lang akong may narinig na boses ng babae mula sa ibabang floor.. napaisip ako bigla, wala namang babae na nakatira dun a dahil sa puro mga taga company ang nag-o-occupy sa 4 na flat sa 5th floor, kaya naghinala ako at pagpunta ko sa may staircase e napansin kong wala ako sa 6th floor at yun na nga napatawa na lang ako sa sarili sa katangahan..sabay panhik patungo sa flat namin..hehe.

ang aral! maging alisto lagi anumang oras o lugar!
hehe..




BUTASAN MO ANG MUNDO KO!


Pinaskil ng dakong 02:58 PM sa orasan ni Mang Jack

Kahapon, mga bandang alas nueve pa lang ng umaga ay ginising na ako ng tita ko, halos nasa kalagitnaan pa ako ng aking panaginip at biglang narinig ko na ang boses ng tita ko,,,bitin tuloy ako..at yun nga ako ay inatasan nya para maglagay ng extra shelves sa kitchen nila..at yun matapos kong lumagok ng kape ay inumpisahan ko na ang laban..kinuha ko ang electric drill at iba pang gamit..sinukatan ko na ang wall at minarkahan ng bubutasan..at weeeeng!!! butasan na!! hehe..habang ako'y nagbubutas ay napansin kong tahimik yata sa may salas at nagtataka ako kung bakit wala ang makulit na batang aking pinsan na dalawang taong gulang na..dati rati ay kung san ako naroon ay nandun din siya ngunit kahapon ay wala..hehe, tinigil ko muna ang pagbbutas at hinanap sya..at nang matagpuan ko ay nasa kwarto pala sya at nakatalukbong at kaming lahat ay natatwa sapagkat natatakot pala sa tunog ng electric drill..hehe.. at naisipan kong biruin at sabi ko'y tapos na ang ginagwa ko..pag ka lapit nya sa kitchen ay bigla kong pinatunog ang drill..natawa ako lalo dahil hindi nya alam kung san sya tatakbo sa takot..hehehe.. at hayun sigeng iyak.hehe..sarap takutin ng mga batang ganun..hehe..nakakaaliw..kaya yun ang panakot ko sa kanya..at nauuto ko tuloy..hehe..at matapos kong magawa ang mga shelves ay medyo napagod ako pero hindi man lang pinagpawisan..hehe.. matapos mamahinga ay nakahanda na pla ang tanghalian..wow! sinigang na bangus at pancit canton ba o guisado bsta..hehe..naparami ang kain ko sa pagod..hehe..sarap! at yun at least may ginawa din ako..yun lang!







ang init!!


Pinaskil ng dakong 10:22 PM sa orasan ni Mang Jack

Masyadong mataas ang humidity ngayon at sa mga nakalipas na araw dito..nakabuset tuloy ang init sa labas..
ayoko pa naman sa lahat e yung ganun..naknamp..


sana mag-2005 na!

hehe..
Currently listening to: it's getting hot in here!! leche!!
Currently feeling: parang balisawsaw




SITE NAMEN!!


Pinaskil ng dakong 03:56 AM sa orasan ni Mang Jack


FAQUNS


PUNTAHAN NYO NAMAN ANG AMING MUMUNTING SITE..

DI PA TAPOS PERO PWDE NANG MANIRAHAN..hehehe..



PISS!!!!!!!




« 2004/09 | 2004/11 »
your name:

url:

your message: