Bakit kaya? (part 3)
Pinaskil ng dakong 05:34 PM sa orasan ni Mang Jack
September 1, 2004 A. D.
eto na naman ang walang kakwenta kwentang katanungan..
:: Bakit naglalagay ng kandila sa cake tuwing may birthday? ano ang silbi nito? ilalagay, sisindihan pagkatapos eh hihipan para mamatay..ano kaya yun? kalokohan lang..pero ano ba talaga silbi nito? kung sasabihing para sa liwanag e pwde namang mas malaking kandila o lampara ang gamitin..pero hindi pa rin eh, kasi may kuryente na tayo at iba't ibang klaseng ilaw.. Tpos meron pang bigayan ng regalo, para saan ba ito? gastos lang ito eh..pati ang pagpapakain sa mga bisita kapag may birthday ka..kaya minsan kahit wala kang pera ay napipilitan kang humiram o mangutang para may ipang handa sa birthday..tsk tsk.. ano bang magandang naidudulot nito? samantalang karaniwang araw lang din ito ng iyong buhay..noong unang panahon ba e merong selebrasyon na ganito? di ba wala, pinauso lang din ito e..
:: Bakit magkaiba ang debut ng babae sa lalaki? bakit mas nuuna ng 3 taon ang babae kaysa sa lalaki? ano kaya ang dahilan? puwede namang sabay di ba? alam mo ba dahilan?
:: Bakit sinasabi na ang pansit ay pampahaba ng buhay pero bakit yung mga isasalang sa parusang kamatayan, mapa lethal injection man o death penalty e nde humahaba ang buhay sa tuwing kakain sila ng pansit bago sila mamatay? bagkus mas napapadali ang kanilang buhay..
:: Bakit ang daming nagrarally sa tapat ng US embassy na Anti-US, bakit ba ayaw nila sa US, pero ang ginagamit nilang wika e may halong english lalo sa plakards nila at ang malupit pa dito ay, karamihan sa kanila ay nakamaong na "LEVIS", tshirt na "HANES", sapatos na "CHUCK TAYLOR"..tsk tsk..mga tao nga naman!
:: Bakit karamihan sa ating mag pinoy ay mahilig maniwala sa FENG SHUI at KARMA? e hindi ba't Pilipino tayo? e bakit sila nagpapaapekto dun? ang Feng shui ay sa mga instik lamang..ang Karma ay sa mga Buddhist..e pinoy tayo so bakit maniniwala dun?
hanggang dito na lamang muna ulet..tinatamad na ako eh.hehhe..
Currently feeling: nagugutom






























