Entries for August, 2004

ATTENTION ALL LADIES OUT THERE!


Pinaskil ng dakong 03:11 PM sa orasan ni Mang Jack



wanted: Mrs. Rean F. Bulaon to be
age: 19-23 years old bachelorette, at least a degree holder (and don't have experience)
height: 5'4"-5'7" above & below this is also accepted depends on the interview
vital stats: b:34-36, w:23-26, h:34-36
hair: short or long (as long as it's nice)
complexion: fair or white
appearance: pretty or beautiful in my perception
she should be: responsible, sweet, understanding, conservative(if ever), religious, intelligent, honest, "malambing",the one who knows when and where to behave and misbehave, & the one who Loves me so very muchful.

"better future awaits for us, love me now and i'll court you forever!"

anyone who is interested and in deeply in love with me may submit their resume personally with 2x2 and whole body picture to my residency. interviews may be taken at the date of submittion. no need to prepare, just be yourself,& don't pretend.

or you can also ask me for a date in the following contact informations:

phaqun3@yahoo.com
kauntrabida@yahoo.com
+63 46 434-58-77
+63 916 450-83-32
+965 984 01 56 (present number)

online application is also accepted




Do You believe in Love?


Pinaskil ng dakong 05:06 PM sa orasan ni Mang Jack


Naniniwala ka ba na mayroon talagang pag-ibig? nage-exist ba talaga yun? Kung i-aanalyze mo kasi eh parang wala naman nun eh, base sa aking naobserbahan, ang salitang LOVE o Pag-ibig ay nagiging dahilan o reason na lang ng isang tao dahil sa ginagawa niyang katangahan..Wala talagang pagibig, alam kong kokontra kayo pero totoo ang sinasabi ko, halimbawa, ang isang lalaki ay nagkagusto dahil sa isang babae, ano ang dahilan ng pagkagusto ng lalaki? syempre una, dahil sa Maganda ito o seksi at dahil dun gagawa siya ng paraan para makilala o maging ka-close ang nasabing babae at ang idadahilan nya ay ang salitang LOVE, tsk tsk..ganun din kung babaligtarin natin, kung babae naman ang magkagusto sa lalaki, sasabihin na naman, Inlove ata ako? pweh! paano magiging LOVE yun? e na-attract ka lang sa Looks o kagandahan ng itsura..tsk tsk tapos idadahilan eh LOVE? kalokohan! tapos meron kang maririnig na kasabihan na "Love is blind?" pweh! puro kalokohan talaga..tsk tsk..ooops teka muna alam kong may magsasabi sa inyo tungkol naman sa nabubuong "LOVE" sa isang magkaibigan o yun bang matagal ng magkasama o nagkasama sa eskwela man opisina o yung magkapitbahay, sasabihin na naman, LOVE ko siya, hindi ko kayang mabuhay kapag wala siya, parang kulang ang araw ko kapag hindi ko siya nakakasama o nakikita, I care for him/her..kasi ano na naman daw..dahil sa LOVE na naman.. ginamit na namang dahilan ang salitang ito..kung tutuusin hindi love yun, eksampol ko ha..isipin mo na lang na ung tsinelas mo na ginagamit araw-araw eh biglang mawala, hindi ba hahanapin mo o mag-aalala ka? ganun lang din yun sa mga taong nakakasama mo ng matagal tapos sasabihin mo love mo na yta..ang tawag dun "nakasanayan" at wag igatong ang salitang love..wala talagang LOVE..Yung tinatawag na Love at first sight? pweh!! walang ganun, ang tawag dun, PAGKAMANGHA.. marahil na rin sa kakaibang itsura o kagandahan ng isang tao.. minsan isa ring dahilan eh yung PAGNANASA o KAMUNDUHAN kaya nais mapalapit ang loob sa opposite sex para maisagawa ang maitim na balak pero ang sinasabi pa ring dahilan eh LOVE..tsk tsk..pati yung sinasabing sa love ng magulang sa anak? hindi love yun! tawag dun RESPONSIBILITY, siyempre magulang ka kaya responsibilidad mong alagaan, pag-aralin o bigyan ng kinabukasan ang anak mo, dahil ginawa mo yan eh at hindi yun Love..madami nga dyan di ba mga magulang na sinasaktan ang kanilang anak? kaya walang Love..isang ilusyon lang yan.. tapos may nalalaman pang pangliligaw, para ano? sasabihin kasi love ko siya..anak ng p*** oh! ligaw? isa pa ring malaking kalokohan yan eh, sympre ang mga lalaking nanliligaw laging pakitang tao, para makuha o mapabilib ang babaeng puntirya..katwiran pa rin eh Love..May mga nasusulat pa nga na ang love daw ay hindi seloso at may pagtitiwala daw..pero karamihan sa magkasintahan eh puro pag-aalinlangan at paghihinala ang naiisip at nararamdaman sa isa't isa..tsk tsk.. iyan ba ang sasabihin na Love? pweh! wala talagang LOVE.. isa lamang yan sa mga Kathang isip na ginawa ng mga sinaunang mga Henyo Kuno noong unang panahon para maging magulo tayo sa ngayon..Kaya huwag kayong maniwala sa Love Love na yan, kalokohan lang yan..

Ang sarap talaga ng halikan, it binds two souls together to conquer everything with its power!




Wala lang, napagtripan ko lang ang Love na yan hehehe..No Offense ha..opinyon ko lamang yan..hehehe..

This blog is dedicated to all my love...
Currently listening to: Stupid Love




New Degree


Pinaskil ng dakong 02:21 AM sa orasan ni Mang Jack

Massachussetts Institue of Technology

Presents to
Rean Bulaon

An Honorary
Bachelor of Science in
Architecture

Majoring in
Design
Signed
Frank Lloyd Wright
®

NgalangGamit:


Fourth Degree Burn
Mula sa Go-Quiz.com



















Warning!


Pinaskil ng dakong 02:25 AM sa orasan ni Mang Jack


My life is rated R.
Kumain ka na ba?







Puso ko'y...


Pinaskil ng dakong 04:53 PM sa orasan ni Mang Jack

Info Black
Your Heart is Black


Ano kulay ng puso mo?
inihatid sa inyo ng Quizilla





Love is...


Pinaskil ng dakong 05:45 PM sa orasan ni Mang Jack

Love is patient.
Love is kind.
It does not envy.
It does not boast, it is not proud.
It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered.
It keeps no record of wrongs.
Love does not delight in evil but rejoices with the truth.
It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.

1 Corinthian 13




CONGRATULATIONS!!!


Pinaskil ng dakong 02:33 PM sa orasan ni Mang Jack

Binabati ko lang ang isang dilag na nagngangalang Mary Annalyn Torres sa kanyang pagkapasa at ika-13 puwang pa sa ginanap na lisensyang pagsusulit para sa PHYSICAL THERAPIST..ikinagagalak kong malaman na nagbunga ng maganda ang iyong pagsusumikap mag-aral..

CONGRATULATIONS ULIT!!!



sana lang hindi ka na SK harhar
Currently feeling: masaya at natutuwa




KODIGO (mga alaala)


Pinaskil ng dakong 04:49 PM sa orasan ni Mang Jack

naranasan nyo na bang mangodiko? ako kasi una kong ginawa yan nung ako'y nasa 2nd year highschool pa eh.. sa subject na THE..ang dami kcng imememorize na kulay..kaya naisipan kong isulat sa kapirasong pahabang papel ang lahat ng ito..periodic examination pa iyon..nagpraktis pa nga ko kung pano ie-execute eh..nilagay ko iyon sa bulsa ng polo ko..medyo kabado syempre kasi pers taym ika nga..pero dahil ang upuan ko ay nasa 2nd row at bang dulo, hindi ako msayadong napapansin ng gurong nagbabantay amin..tuwing periodic exam sa amin, mgksama ang 1st at 4th year sa hapon at 2nd at 3rd year naman sa umaga..at may kasama nga kaming mga 3rd year..at mag babae sila..may laktaw na isang silya bawat estudyante kaya madaling makita ng guro kung sino ang nangdaraya..pero dahil sa ginawa kong ensayo ay yakang yaka.. hehehe.. nagumpisa na ang exam..unang subject ay ayos..pangalawa ay ganun din..yan na ang THE..saktong sakto, madaming items ang part na ginawan ko ng kodigo..mukhang mataas ang makukuha ko nito.. hehehe.. tinapos ko na muna lahat ng kaya kong sagutan tska na ung sa hokus pokus..sakto, may ginagawa ang guro, hindi msyado tumitingin sa amin, busy din ang kalapit na 3rd year sa akin..kylangan ng gawin..simpleng pose na paliyad..konting buka ng bulsa at presto! kita ko na lahat..unti-unti ko ng sinusulat..medyo manginignginig pa bka mahuli..haay salamat, natapos din.. successful ang operasyon..hehehe..sarap ng feeling!at nung matsekan ang papel ay mataas ang aking nakuha..salamat sa kodigo.. hindi na naulit yun kasi kopyahan na ang ginagwa namin, ika nga may kooperasyon na kami sa section namin, ika nga tulungan sa nangangailangan..dumating ang college years..at talagang di maawisan ang pagdating ng mahihirap na exam at nangailangan na naman ako ng strategy..hehe..history of architecture ang subject at isang long quiz ang inihanda ng prof nmin..dahil na rin sa tamad akong magbasa dahil sa pagkahaba haba at ingles pa kaya ang hirap intindihin bkit kc hindi na lng siya ang magpaliwanag eh..at yun nga naisipan kong gamitin ang kodigo system..marami kaming estudyante sa maliit na room, kaya medyo siksikan at tabi-tabi.. ung xerox copy na gagamitin kong kodigo ay ilagay ko sa bag ko tapos yung bag ay nakasabit sa unahan ko kaya bubuksan ko lang ng konti ang zipper at litaw na ang kodigz..hehe..pumuwesto ako sa medyo likod para hindi gaanong makita..umpisa na ang exam, ayan na, hindi ko na alam ang isasagot dahil sa hindi ako nakapag-aral, nagkukunwari n lng akong nagiisip, tingin sa taas, sa kanan, sa kaliwa, napapailing pa minsan na para bang may iniisip at hindi iyon..napapakagat pa sa panda na ballpen, kamot sa ulo, buklat ng pahina ng test papers na tila may isasagot na sa mga puwang..kailangan ng isagawa ang plano. hintayng lumingon sa iba ang prof saka simpleng buksan ang zipper ng bag..ayos na ayos, nagawa ko..litaw na ang mga papel..sakto nandun kagad ang mga sagot na kailangan ko..sigeng sulat lang ako..ayan na marami na..lingid sa aking kaalaman na ang prof kong ito ay bihasa pla sa larangan ng pangongodiko nung kapanuhanan nya ng pagaaral.. nagulat na lang ako ng biglang lumapit sa akin at biglang sabi ng "Rean, wala dyan ang sagot nandito sa page na ito!" sabay hugot sa mga papel at umanoy nililipat nya sa ibang pahina..gulantang ako..pero hindi ako napahiya dahil alam kong madami ring gumagawa nun..umalis na ang prof..ako naman hindi ngtanda, ginamit ko pa den ang kodigo..at nung binibigay na ang mga test papers, nagulat akong isang malaking zero na kulay pula ang nakalagay sa itaas ng papel.. ulk! tangina! napaisip ako na, "tama naman yung ibang sagot ko ah?" at nang tatawagin na ng prof ang pangalan ng estudyante para irekord ang nakuhang iskor ay lumaktaw sa akin, sabay sabi pgkatapos na, "alam mo na siguro rean kung bakit ganyan ang iskor mo!".."yes sir" na lang ang nasagot ko..shett!!! naging lesson sa akin iyon..kailangang galingan sa susunod..di bale bawi na lang ako sa counter strike mamaya, doon ko na lang ibubuhos ang pagkadismaya sa nangyari.. hehhe.. lumipas ang ilang sems, hindi na ulit ako nangodiko dahil sa kopyahan namin ay sapat na kahit hindi mangodiko, ngunit dumating ang isang subject namin at sa isang exam ay kailangan na naman ng memorization, anak ng p***! kakatamad pa naman magsaulo, masarap pang magcounter strike.. naisip ko na naman ang aking kodigo..pero teka baka madali na naman ako ng prof, kailangang pagisipang maigi, pero mukhang mahinang klase ang prof, parang walang alam sa mga diskarteng marino..bahala na basta gagawin ko na rin..alam ko namang hindi lang ako ang gumagawa nito eh..ang alam ko normal pa nga ito sa subject na ito lalo kung yung dating prof pa rin ang nagtuturo, kaya ok lang siguro ito..tska masubukan na rin ung style ng pangongodiko na sinasabi ng mga higher year, pati yung tamang tupi ng papel..(gabi bago ang exam) kailangang isulat na ang lahat ng sagot dito sa pahabang papel, mga 2" ang lapad, itupi ng pa-square at kailangang parang hagdan ang pagtupi para maililipat ng page tuwing bubuksan..ayan na exam na ulit, walang kakaba kaba dahil may kasanggang kodigo, huwag lang mahuhuli ulit..nakapwesto na sa bulsa ng kaliwang pantalon ko ang kodigo kasama ang cellphone ko kasi kung sa kanan mahihirapan akong dumukot, hindi pa naman ako ngpopolo barong kaya dun na lang.. umpisa na ng exam, ayus na ayus medyo natatakpan ako kaya maisasagawa ang aking misyon,hehe.. yesiree walang sabit ang aking gawa, isang page na lang ok na.. oops teka, mukhang tatayo si ma'am, tago muna ang mahiwagang papel.. magkunwari ulit na nagiisip..hehehe..ayos na ulit, bumalik na siya sa upuan nya, maari nang ipagpatuloy..sa kasamaang palad pghugot ko ng kodigo ay bumagsak sa sahig..whuaaa!!! buti hindi nakita ni ma'am, bumulatlat pa ng pahaba ang papel kailangang umaksyon, inapakan ko ang papel at sakto kasing laki ng paa ko ung pgkakabulatlat. haayyy!!! sabay kaladkad ng paa papalapit sa akin..langyang buhay to oh, kung kelan naman patapos na tska pa nagkaganito, d bale magagawan ng paraan to, ngunit ung mga nasa harapan ko ay nagsipagtayuan na at tapos ng sumagot kaya kitang kita ako kung sakaling dadamputin ko ang papel..shet!!!pano to??!pinagpawisan ako dun, nakikiramdam ng susunod na mangyayari, kailangang maging mabilis ako baka abutan ako ng time at magtaka kung bakit hindi ako tumatayo baka sabhin napatae pa ako gaya nung mga kwento ng barkada ko na kaklse nya nung grade two, bigla daw kasing bumaho sa loob ng classroom nila tpos pinatayo ng teacher lahat ng pupils at yung isa ay hindi tumayo at yun pala siya ang dahilan ng amoy na umaalingasaw dahil sa tumae siya.. hehehe.. Talaga nga naman oo, kapag sinuswerte ka, may lumapit na kaklse ko kay ma'am para magtanong, ito na ang oras para gawin ang pagdampot, this is it! bahala na kung makita o hindi, yaahhhh!!! ngaing mabilis ang aking pagdampot, nadumihan pa ang mga daliri ko dahil sa dumi ng sahig, d bale wala yang dumi kumpara sa mangyayari kung nakita ito..haayy!!! gumaan ang aking pakiramdam.. tumayo na rin ako at nagpasa..whew!!! sabay labas ng room, tpos biglang umakbay sa akin yung kaklse kong lumapit kanina sa prof ko, sabay sabi, "tangna ka, buti nakita kong bumagsak ung kodigo mo, kung hindi patay ka kay ma'am" hehehe.."ganun ba tol, salamas ha!!" isa siyang anghel para sa akin nung mga oras na iyon, naisalba nya ako sa kamalasang nangyari hatid ng aking krimeng ginawa..whew!!!at pagkatapos nun, counter strike ulet!!!heheh...mula noon natuto na kong dumiskarte ng malinis..pero minsan nakukuha na rin sa kopyahan kaya di na kailangan nun, pero Number one yun kapag MATH, kasi medyo tangengots ang prof eh tska mahirap ung problems, dami pang
formula..heheheh..para sa akin ok lng naman mangodiko eh, wag lang papahuli, mas reliable pa nga yun kumpara sa kopyahan eh..hahahaha.. medyo siniswerte lang ako sa mga nging karanasan ko sa paggamit nun..wag akong tutularan, mag-aral maigi, yun ang pinkadabest na paraan para makapasa sa exam..pero i'm proud of myself kc nakagraduate na ako ng college eh..ang tanging paghahandaan ko ay ang darating na licensure examination, sa tingin nyo mangodiko pa kaya ako o wag na? hehehhe..pramis, mag-aaral na ko..no kodigo!!! Totoo na ito eh..


Currently listening to: Kung maibabalik ko lang, Remember when at MMK
Currently feeling: Senti tipong reminiscing




I'm bored..


Pinaskil ng dakong 04:26 PM sa orasan ni Mang Jack

friday night..12am n ko nakatulog nakipagchat kasi ako sa mga naggagandahang dilag hehhe..tpos may maganda pang palabas sa tv kaya gnung oras n ko nakatulog..dun ako sa haus ng tita ko nakitulog kc hindi nya ako naihatid nung gabi kaya kinabukasan na lng nya ako ida-drop sa place ko bago sya pumasok sa office nya.. nag-alarm ako ng 6am para makagising ng maaga at makaligo kgad dhil 7am ang alis namin.. nakatulog naman ako kagad, tapos bigla akong nagising kasi nilamig ang paa ko, wala n plang kumot, heheh, likot ko pla matulog! it was 5:20 am na, oops antok pa ko..my 40 minutes pa para umidlip..nagising na naman ako ng 6:00, pero tamad p ring bumangon kasi malamig..and sabi ko idlip lang ng 15 minutes, pero nasarapan ako, umabot ng 30minutes at nanaginip pa! hehe..pagtingin ko sa cel e 6:30 na kaya't dali daling pumunta sa cr para maligo..ok na lahat paalis na kmi, lahat ng binili kong grocery eh dala ko na, pgkababa nmin sa bldg ay nalimutan ko pla ang shades ko..kaya tinawagan ng tita ko ang maid nla para ipaabot habang nagpapainit ng makina ng kotse..at nakadating na ko s flat ko, tulog pa ang mga tao, mukhang nsa kasarapan ng tulog..pgkapasok sa room ko e inayos ko n ang mga gamit ko at, nahiga! hayy..kakatamad, "eto n naman" umpisa ng araw, umpisa ng linggo! wlang kabuhay-buhay! naisipan kong magkape kaya ngpainit ako ng tubig, nagugutom din ako, buti my instant noodles, kaya hayun dinamihan ko ang tubig..pag minamalas ka nga naman, wala na pla akong condensd milk para sa kape ko..shit!!! kaya ang nilagay ko e ung chocolate..heheh..sarap din pala! astyg! parang capuccino..at pgkatapos kong kumain eh humilata na naman sa kama at nagisip ng kung anu-ano..hayy..tangina..hanggang kelan kaya ganito?! pero ok lng lilipas din ito!!! tumayo ako at nagbihis na para pumasok na sa opisinang ewan..hehe..eto na naman ako, nakaupo na naman sa harap ng monitor, naghihintay ng ipapatrabaho..pero habang wala, gawa muna ko nito! hayy..parang cycle ang buhay ko d2, iisa ang routine, walang LAYP! pero ok lang sbai nga db "if u want to gain something, u must lose something", yun n lang ang tinatatak ko sa isip ko para maging OK ako.. ano kaya mangyayari mamaya? palagay ko ganun na naman, uuwi kakain, matutulog, gigising at gnun na naman!!! paulit-ulit.. pero kahit ganito ang nangyayari sa akin eh OK ang sweldo ko..hehehe.. wala lang..kakabagot lang kasi eh..
Currently listening to: My plague
Currently reading: English V (language)
Currently feeling: (sigh)




^_^


Pinaskil ng dakong 11:01 PM sa orasan ni Mang Jack

"we come into this world crying while all around us are smiling. may we so live that we go out this world smiling while everybody around us is weeping."
Currently listening to: Live and let die
Currently feeling: Seryocity




Sapatos


Pinaskil ng dakong 02:24 PM sa orasan ni Mang Jack

Chucks

Anong Uri ng sapatos ka?click mo para malaman mo!






Bakit kaya?


Pinaskil ng dakong 03:08 PM sa orasan ni Mang Jack

Marami akong napapansin sa ating kapaligiran, sa loob man o labas ng bahay na kakaiba o yung tipong bang mapapatanong ka sa iyong sarili..Bakit kaya?? Ano kaya yun?? Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa aking mga napapansin:

:: Bakit sinasabi ng ating mga Magulang tuwing aalis tayo o dadaan sa kalsada e, "O, mag-iingat ka, tumabi ka sa sasakyan".. tumabi sa sasakyan?? akala ko ba mag-ingat ang gusto eh mukhang gusto pa yata tayong matuluyan eh...

:: Kapag may nawawalang bagay sa bahay at ikaw ang pinagbibintangang nakawala madalas sabihin ng mga magulang sa anak na, "Kapag hindi mo nahanap iyon, makikita mo ang hinahanap mo!", so bakit ko pa hahanapin di ba e makikita ko rin pala..tsk tsk..

:: Tuwing ikaw naman ay pinapalo at sigeng atungal ka sa pagiyak, ganito ang sasabihin, "Hindi ka ba titigil sa kaka-iyak mo? ha?! (sabay hambalos ulit ng sinturon..) tsk tsk..tapos gustong patigilin e pano kaya yun?..

:: Kapag nag-aaway naman ang isang mag-asawa o maging yung magkasintahan pa lang..madalas ding sabihin sa isa't isa na.."Mamatay ka na hayup ka!!!", pag namatay naman, e sigeng hagulgol sa pag-iyak at sasabihin na, "Bakit mo ko iniwan??"..

:: Minsan naman, kapag may pinapakuha sa iyong bagay at hindi mo ito pansin na malapit lang pala sa iyo ang sasabihin naman ay, "Kung ahas yan, kanina ka pa natuklaw!" anong klaseng magulang yan? hahayaan ka na lang matuklaw ng ahas kung sakaling totoo nga iyon? tsk tsk...

:: Ano nga ba ang silbi ng necktie? nakakapagtaka kasi eh, nagsusuot ka tapos walang silbi..nakakasakal pa minsan.. siguro pwedeng ipamunas pagkatapos kumain, baka iyon ang silbi nun?

:: Minsan naman, kapag badtrip ka, madalas sabihin na, "oh bakit mukhang biyernes santo ang mukha mo?" para namang may mukha ang biyernes santo?! tsk tsk..

:: eto naman sa nature, napansin ko, bakit ang penguins eh hindi nakakalipad? pero naisip ko din ang maaaring kasagutan..Siguro noong unang panahon, nakakalipad sila at napadpad nga sila sa lugar na malamig at tinatawag na antarctica ngayon..at dahil nga sa walang puno doon eh nalimutan na nilang lumipad sa paglipas ng panahon puro na lang sila swimming at walking..pero kung ikaw ay mag-aalaga ng penguin, maaari mo itong turuang lumipad tsaga lang ang kailangan..

:: bakit ang lalaking aso ay tuwing umiihi eh madalas sa may pader o poste at ang nakakagulat pa dito eh laging nakataas ang kanilang isang paa..naitanong ko ito sa aking kuya at sagot sa akin ay, kaya daw nakataas ang isang paa nila eh natuto na daw sila, ika nga ay safety first..kasi daw noong unang panahon, yung mga asong lalaki eh hindi pa nakataas ang isang paa kapag umiihi, may isang aso noon na umihi sa isang lumang pader at sa di inaasahang pangyayari ay biglang nabuwal ang pader at nadaganan ang kawawang aso..kumalat ang balitang iyon kaya't simula noon ay palagi ng maingat ang mga aso, tinutukod na nila ang kanilang mga paa mapa-poste man yan o pader..

:: Bakit kapag ikaw ay kumakatok o tumatawag sa isang bahay eh ang madalas mong sabihin eh, "Tao po!!" bakit tao po? hindi ka naman hayop? at kung sinasabi mong kung tao ba ang hinahanap mo dun e bakit ganun pa ang sinasabi mo e alam mo namang hindi nakakapagsalita ang hayop..tsk tsk..

madami pa akong mga katanungan na gaya nyan..dudugtungan ko na lang..tinatamad na ako eh..tska Gotta Wurk na..
Currently feeling: nothing more than feeling




I'ts all about this thing called Love


Pinaskil ng dakong 05:18 PM sa orasan ni Mang Jack

love = insanity, foolishness, vague or blindness, your IQ drops to zero (you become risky) 1 girl = 1 group of friend or even the whole population of the earth, the best part of love is always at the beginning, the getting to know each other stage, the courtship, the exciting and memorable dates, the flowers, the gifts, the chocolates, the sweets, the letters & cards, the phone calls & sweet text quotes, messages, the butterflies in the stomach, the sweet talks (for guys; sales talk) and hearing the answer to the most common question in love history, the word "yes!, uhumm!, i like/love you too!, etc.. and after all these hardworks, efforts and time, all these may gone in 60 seconds just by misunderstanding, jealousy, forgotten inclusive dates, that can lead to a small quarrel that may turn into huge one and suddenly, Whala! "i hate you! i shouldn't make it with you! i've made a wrong decision!, you cheated me! you're a liar!, @*?!... i dont wanna see you anymore! get out of my face! talk to the hand! (as if it the hand could speak?) etc,...lucky for those who reconcile after the arguements, fortunate for those who are free, hehehe.. i mean those who separates, im very sorry for them, most of them have their regrets. but those who makes it are the best! they've passed one challenge of their life & a serious game to think of it, Congratulations! there's much more to come, unpredictable, unimaginable, unbelievable, unthinkable, like a thief in the night, both of you should always be prepared and ready to face such circumstances in your relationship. Just always remember that "Love doesn't just sit there, like a stone, it has to be made, like bread, re-made all the time, made new".

kinds of reason to love:
1. for love sake, because of the unexplainable feelings
2. for sexual pleasure or amatory, because of the lust.
3. for experiencing it, maybe a game or else.

possible things that may happen because of love:
1. family, when it grows
2. enemy, when badly separated
3. friendship, reconciliation
4. death, wants to forget everything, permanently.
5. PEACE

Note: all of these are just my points of view regarding this matter, i knew that all of us has his/her own perspective of everything.. and also, sorry if there is mali with my grammar ha..




Bakit kaya? (part 2)


Pinaskil ng dakong 05:53 PM sa orasan ni Mang Jack

eto pa yung mga pangungusap o kataga o anumang salita na nagbibigay sa akin ng isang malaking katanungan o agam-agam, ibig sabihin e ako'y nalilito..

:: Bakit dati tuwing may makakakita sa aking bagong "jordan shoes" eh madalas sabihin eh, "Uy sapatos ni jordan oh!"..ngak!! para namang sapatos nga ni jordan yung usot ko e samantalang katulad lamang iyon..dapat ang sasabihin nila eh, uy katulad ng sapatos ni jordan oh..hindi ba?

:: Bakit ang mga jeepney driver o fx eh mga malakas mang-asar o bka mga tanga lang..kasi sa tuwing magbabayad ka ng 20pesos kunwari tpos 5pesos ang pasahe, lagi ka pa ring tatanungin, "ilan itong beinte?" ngek!! ilan daw e di beinte o twenty..naknamp! patawa din sila eh..

:: Bakit ang tawag sa pambutas ng papel eh "puncher"? e hindi naman ito nanununtok? o kung sasasbihing nagpu-punch ito ng hole e kulang ang tawag, dapat "hole puncher" o kya kung gusto nila e maigsi dapat eh "holer"..di ba?

:: Sa computer, bakit ang tawag sa pinipindot eh "keyboard"? e wala naman akong nakikitang susi dito? dapat ang tawag eh "button board"..di ba?

:: Bakit ang elementary eh hanggang grade 6 o 7 lang? at ang highschool e hanggang 4th year lang? hindi pwdeng pagisahin na lamang ang elementary at highschool at para tipid sa graduation, o kaya naman mula elementary, dun na pipili ang course na kukunin sa college para mahasa maigi, kunwari nursing, mula grade 1 hanggang sa huli ay nursing related lang ang pgaaralan..dapat ganun na lang.

:: Bakit sinasabi din na "nakagat ako ng lamok!", eh wala namang ngipin ang lamok para mangagat? meron sila yung tubo na pangbutas sa balat at pangsipsip sa dugo, kaya ang tawag ay hindi mosquito bites kundi mosquito suck! o kya mosquito puncture!

:: Bakit kapag bumibili ka ng inumin na "sugar-free" eh wala ka namang natatanggap na libreng asukal mula sa tindahan an pinagbilihan mo? siguro kinukuha na ito ng mga nagtitinda? sa tingin mo?

:: Bakit minsan sa usapan, naitatanong natin na, "nalunod ka na ba?".. kung nalunod na yan malamang kaluluwa na yan.. kasi dapat ang tanong eh, "muntik ka na bang malunod?" ganun dapat, kasi buhay pa naman eh at nakalipas na ang tinatanong..

ilan lang ulet yan sa mga katanungan na bumabagabag sa aking walang wisyong pagiisip..hanggang sa susunod ulit, iisipin ko muna ulet lahat..




Brain Teaser


Pinaskil ng dakong 01:52 AM sa orasan ni Mang Jack

You have 9 marbles: 8 of them weigh 1 ounce each; 1 weighs 1.1 ounce. The 9 marbles are all uniform in size, appearance and shape. You have access to a balance scale containing 2 trays - you may use the balance 2 times. You must determine which of the 9 marbles is the heavier one using the balance only 2 times.
Currently feeling: Tinatamad




« 2004/07 | 2004/09 »
your name:

url:

your message: